Monday, November 30, 2009

Time Can Heal My Broken Heart...

It was in 2006 we've been texting and calling each other. Taga La Union sya at Cavite ako ang layo diba?. Almost 3months din kaming magkatext. Sa 1st month ng pagiging mgtextmate namin naging okey naman lahat naging masaya kami. Kahit di ko pa sya nakikita naging maganda ang samahan namin. May girlfriend ako noon hanggang sa madevelope ako sa kanya na parang envelope (joke)...

Madugong Pagtatago...

By the 2nd month ng pagiging magtextmate namin nahihirapan na ako sa kakatago ng feelings ko for her. Pero ayoko namang saktan ang girlfriend ko for 11months before ko sya naging textmate. Itago nalang natin si girlfriend sa pangalang Jhen at Jhane na girltextmate (di ako mahilig sa letter "J" noh?)hehehe.

Kahiya-hiyang Pagtatapat...

Okey here's the part kung pano nagkaalaman ng feelings ng bawat isa. It was May 27 2006 were texting in the middle of the night then saddenly parang tinamaan ako ng kidlat bigla ko syang tinanong kung pwede ko syang maging girlfriend without knowing na may girlfriend pa ako. 28 of May 2006, 2:00am ng madaling araw pumayag sya na maging girlfriend ko kahit text at tawag lang kami without courting her. Yun pala like nya din ako nun (kinilig ako nun ha). Nadaan sa bola at kulit(joke), pero seryoso ako sa knya. And by that time nakipagbreak na ako kay Jhen. Dahil ayokong maging unfair sa kanya na(by the way ginawa ko na pala dahil naging girlfriend ko na si Jhane).

May New Girlfriend Na Ako..

I was super happy nung naging girlfriend ko sya. Unang buwan at taon namin mag-On naging mahirap ang lahat dahil almost a year and a half di kami nagkikita.At ang malungkot part dun di kami legal sa family nya. Para sa akin okey lang ang lahat dahil malayo sya. Naging okey ako sa set-up naming tawag at text lang, pero di din pala masaya ang ganun.

Super pagtitiis umabot kami sa 2nd anniversary ng relasyon namin wow! nalampasan namin yung mahirap part. But worst pa pala ang dadating dahil sa tutol ang parents nya. Pinapili sya at pinapahiwalay sa akin. Sa totoo lang tama ang parents nya wala syang mapapala sa akin. Dahil wala daw akong kwentang tao. Pero di nya ako iniwan nung time na yun at nagtagal kami kahit walang pirmiso ang parents nya.

Kahit madaming trials at problems hinarap namin. Syempre di maiiwasan ang away bati at di pagkakaintindihan. Tumagal kami for 3 years and 4 months na lahat binigay ko na. Ang alam ko lang na kulang ang magsama kami. Last October 27 this year nakipagbreak sya sa akin di ko alam ang dahilan. I try to ask her pero walang malinaw na sagot mula sa kanya. Naglakas loob ulit akong tanungin sya last N0vember 08, bakit at anong dahilan at iniwan nya ako. Tama ang hinala ko may iba na sya at buong pagmamalaki nyang sinabi sa akin yun. Pero okey lang sa akin lahat dahil dun sya masaya. Ang di ko lang matanggap pinagpalit nya ako. Okey daw pero di matanggap hehe. Seriously speaking lahat tiniis ko tungkol sa kanya kahit halos tapakan na ang pagkatao ko. Ganun daw talaga pag mahal mo. Pero tama bang ibinigay mo na lahat ng meron ka at sa huli ikaw pa ang masama at iiwanan?. Masakit man ang nangyari masaya narin ako para sa knya dahil may magmamahal sa knya na malamang mas higit pa sa ibinigay ko.

Ngayon habang ginagawa ko ito napapangiti ako at napapaisip. Isang buwan na pala akong single hehehe. Pero for now lang stay single muna ako at sure-bet makakahanap ako ng magmamahal sa akin ng totoo as in totoo hehehe.