Tuesday, March 16, 2010

Isang Buwan Deadma Mode!!!

Hahaha!!! tagal din di ako nakapagpost almost a month din wala akong post...
Nakakapagod palang maghintay ng message sa cellphone galing sa jowa lalo kong ang katwiran sayo ay busy sya kahit alam mong hindi....Ang mahirap pa dun kahit tawag wala, pilitin mo mang tawagan at itext sya di naman nagrereply o sumasagot.....

Ano kaya iisipin mo pag ganun ang ginagawa ng jowa mo??? Diba maiisip mong may iba na syang gusto kaya sya ganun o kaya naman nakahanap na sya ng iba dahil malayo ka....Nakakainis lang isang buwan na syang ganun laging sinasabi busy sya kahit alam ko wala naman syang ginagawa dahil kung mama nga nya nakakatext ko at sinasabi di naman talaga sya busy....

Sana maisip nya may naghihintay sa kanya at nag-aalala, kung di naman nya kasi ako kailangan di ko naman na ipipilit sarili ko basta lang sabihin nya ng maaga sa akin ng hindi ako umasa sa wala.....Haizt bakit kasi pag malayo ang taong mahal mo mas malimit nakakahanap sila ng ipapalit sayo, di man lang sila naging faithful at masakit pa dun pinapaasa ka lang nila na wala silang iba at ikaw lang mahal nila kahit ramdam mo naman na may iba na silang mahal o gusto.....

Sana sa lahat ng naging unfaithful wag nyo sanang maramdaman yung nararamdaman naming mga niloko nyo kasi masakit na mahirap pa.....Kahit nasaktan ako mahal pa din kita huhuhuhu.....Bye muna ulit.....