Tuesday, March 16, 2010

Isang Buwan Deadma Mode!!!

Hahaha!!! tagal din di ako nakapagpost almost a month din wala akong post...
Nakakapagod palang maghintay ng message sa cellphone galing sa jowa lalo kong ang katwiran sayo ay busy sya kahit alam mong hindi....Ang mahirap pa dun kahit tawag wala, pilitin mo mang tawagan at itext sya di naman nagrereply o sumasagot.....

Ano kaya iisipin mo pag ganun ang ginagawa ng jowa mo??? Diba maiisip mong may iba na syang gusto kaya sya ganun o kaya naman nakahanap na sya ng iba dahil malayo ka....Nakakainis lang isang buwan na syang ganun laging sinasabi busy sya kahit alam ko wala naman syang ginagawa dahil kung mama nga nya nakakatext ko at sinasabi di naman talaga sya busy....

Sana maisip nya may naghihintay sa kanya at nag-aalala, kung di naman nya kasi ako kailangan di ko naman na ipipilit sarili ko basta lang sabihin nya ng maaga sa akin ng hindi ako umasa sa wala.....Haizt bakit kasi pag malayo ang taong mahal mo mas malimit nakakahanap sila ng ipapalit sayo, di man lang sila naging faithful at masakit pa dun pinapaasa ka lang nila na wala silang iba at ikaw lang mahal nila kahit ramdam mo naman na may iba na silang mahal o gusto.....

Sana sa lahat ng naging unfaithful wag nyo sanang maramdaman yung nararamdaman naming mga niloko nyo kasi masakit na mahirap pa.....Kahit nasaktan ako mahal pa din kita huhuhuhu.....Bye muna ulit.....

Wednesday, February 10, 2010

High School Grad Di Tinanggap Sa Work!!!!

Buhay na naman tagal din di nakapagpost...namiss ko magtype sa keyboard hehehehe...Masaya na sana ako eh nagkita kami ng girlfriend ko pero kulang ang araw para saming dalawa. Sa sunod na araw Valentines Day na imbis may date kami ayun gagala kami kasama ang mama nya. Pero okey lang at masaya talaga ako dahil legal kami sa family nya.

Pero before ang gala at date ang malas ko mag-apply ng work di man lang ako natanggap sa inapplyan ko sa call center, kahit sabi nila okey naman daw ako sa mga test pero nung nalamang high school grad lang ako ayun di na ako tinanggap. Bakit ganun noh kung di ka nakapgcollege di ka agad matatanggap sa work dahil sa education background. Ni hindi man lang nila tinignan yung kakayahan ng aplikante nila.

Ganun talaga ang buhay bitter luck next time hehehehe "bitter" talaga kasi naman puro pait ang buhay drama!!! Siguro sa ibang bagay o trabaho ako may swerte pero sa ngayon ito ako tambay hehehehe...Sana magkawork din ako kahit high school grad lang din ako...Kung sinuman may alam pwede pasukang work jan na no need ng college degree pakibalitaan nalang po ako salamat...bye for now ulit!!

Friday, January 22, 2010

Halalan Na Naman.....

Yeah! right lahat ng pulitiko ngayon puro pangako na lahat naman mapapako pagdating na nakaluklok na cla sa kanilang pwesto sa pamahalaan. Pero meron nga bang iba sa kanila na hindi gagawa ng kagaguhan sa bansa? anung tingin nyo?

Ako bilang Pilipino iboboto ko ang karapat-dapat, pero panu ko yun malalaman kung sa sarili nating bansa ang pamahalaan ay puro dayaan. Si Villar ba, Gordon, Ninoy at Gibo lahat sila puro pangako sa patalastas dahil malapit na ang halalan. Isa kaya sa kanila kaya talagang magbigay ng libreng pabahay sa'ting mahihirap at walang matirhan?

Sana sa daratinmg na halalan isa sa kanila ang karapat-dapat mahalal na pangulo at mabago ang bansa. Dahil sa pamahalaang Arroyo naghirap ang bayan ni Juan walang nangyari dahil puro kurakot ang inani ng Pinas. Sana kung mahalal man isa kina Villar maiahon nila sa hirap ang ating bayan.

Lagi ko na lamang tanong yan bago ang halalan mabago kaya ang patakbo sa bansa o gaya din ng dati hirap ang bayan ni Juan? Sana sa halalan sa Mayo walang dayaang mangyari para naman maging maunlad ang ating bayan. Dahil kung puro dayaan ang bansang ito walang mangyayari puro pa din tayo kahirapan. Umunlad na sana ang mga Pinoy at ang sarili nating bayan.

Monday, January 18, 2010

Hope I Can Be Happy.....This Time!!!!

Damn i never realized i will be hurt like this, my girlfriend had an affair with this guy on the net. I never believed it at first because only the guy told me all about it, but when i talk to my gf she never deny what the guy said. They been together for about two weeks now and as i talk to her and chat with the guy i was so angry, but what will i do if she never wanted to be with me anymore....

I respect her decision and choice maybe it will hurt for a while but i can handle this and move-on. As the three of us talk i decided to let her go and be with the guy she chooses to love. I can understand all things happen for a reason maybe she lied to me but i can accept her explanation and apologize.Maybe one month is enough for us i gave my all for her, she is the one who's never been contented its not only my lost but hers too.

But for me its okey because i know a relationship between same sex will never last for a lifetime. So i hope they will both be happy and last for a lifetime even though it hurts me a lot, because i love and trust the girl with all my heart. But i have no match for a guy that can give a better life for her so i let her go and respect their relationship. Hope i can find the love that is loyal and would never fail all over again.

Monday, January 4, 2010

Wasak Ang Pundilyo.....

Wasak...badtrip na araw na naman dahil kahit gumala ako may panget na mangyayari na kasunod. Lintik na gala yun ganda ng suot ko purmado at talagang todo pabango ako, kundi ba naman sablay at kalahati nawasak ang short ko. At wag ka sa harapan pa nasira, di naman ganun kalaki ang pagkabukaka ko pero hala napunit talaga ang "pundilyo" ng short ko.

Okey lang sana kung may tastas or wat sa short ko pero hindi eh wasak talaga ang harapan ng short ko. Buti nalang sa mall ang punta ko bago ma-meet si textmate, kaya kahit gipit napilitan akong bumili ng short wag lang makita ang hidden agenda ng lola mo hehehe. Okey na at nakabili ako ng bagong short pwede na ma-meet si textmate.

Habang papalapit ako kay textmate napansin kong ang etiketa ng short ko hindi pa pla tanggal, kahiya man halata talagang bago ang suot ko lalo ang short. Para di mahalata tinago ko nalang ang etiketa ng short sa bulsa hehehe. Pero dahil sa short kong nasira ayun kinapos ang lola mo sa budget sa date buti nalang di matakaw si textmate at kasya pagkain, pangsine at pamasahe ang natira hahaha. Si shorts kasi kung di nasira ganda sana ng date ko at may pasalubong pa sana ako, pero ganun talaga nasira si shorts......

As of mag-meet kami naging okey naman lahat mula sa pagkikita namin hanggang sa pag-uwi okey ang lahat. Naging happy naman ako kahit malas ang araw sa pagkasira ng shorts ko happy naman ang gala namin hehehe. Next time ill make sure na matibay ang susuotin ko lalo ang shorts ko hehehe.

Tuesday, December 29, 2009

Puyat Kakatitig!!!!

Haiz 2:00am na gising pa din ako wala namang "insomia" pero magdamag gising with only one reason. Buong magdamag pinagmasdan si girlfriend sa harap ng cam habang tulog at paikot-ikot sa higaan. Ewan bakit pero trip ko syang titigan habang tulog kahit di ko naman sya kasama, siguro mami-miss ko lang sya kaya ganito ako.

Ilang araw din wala ang girlfriend ko dahil uuwi sya this New Year sa probinsya nila. At syempre malayo ang City sa kanila so no chat kaming dalawa, kakalungkot lang di ko na nga nakasama nung Pasko wala pa din ngayong New Year. Haiz okey lang family naman nya ang kasama nya kaya no need mghimutok diba??? may text naman so anu kaya dinadrama ko dito hehehehe(emote lang)

Sana lang after New Year magkita na kami ng di ako mapuyat kakatitig sa knya habang tulog sya at sa cam ko lang sya nakikita.Naku baka magising si Mudra batukan ako nito mag-uumaga na gising pa ako kahit wala naman ng importanteng ginagawa. Haiz love nga naman nakakapuyat na nakakapimples pa kahit mali ang maging kami bahala na dito naman kasi ako masaya. Makatulog na nga bangag na din ako eh hehehehe.

Sunday, December 27, 2009

Banyo Queen!!!!

Malas na araw ko ata ngayon dahil mula umaga puro disgrasya na inabot ko. Napilay ako sa tama ng bangko sa pagbuhat ng kuya ko ng upuan papuntng sala, wala pang isang oras natumba naman ako sa pinto tumama ang pilay ko huhuhu, at last before matulog tumama ang sakong ko sa pinto ng rest room at ngkasugat ako. Oh! diba bongga sa disgrasya at katangahan ko na napagalitan pa ako ng dahil sa pagiging tanga ko ngayong araw.

Kundi ba naman malas pati jowa ko tinaguan pa ata ako ayaw mgreply sa lahat ng text messages ko kahit alam kong may load sya. Ewan ko ba pati ang pag-inum ko ng gatas may halong swerteng-malas, paginum ko ng gatas bukod sa napaso ako sa init ayun ito ako masakit ang tiyan dahil sa lactose, walang patid na pagpunta sa C.R. ang dinadanas ko hehehehe.

By the way highway ang sakit talaga ng tiyan ko at baka di ko matapos ang post na to. Mamalasin ka nga naman buong araw ko sira na malas pa "asar!". Wish ko lang bukas pag gising ko okey ulit ang mood ko at swerte na, syempre sana magaling narin ang tiyan kong galit sa banyo hehehehe.