Tuesday, December 29, 2009

Puyat Kakatitig!!!!

Haiz 2:00am na gising pa din ako wala namang "insomia" pero magdamag gising with only one reason. Buong magdamag pinagmasdan si girlfriend sa harap ng cam habang tulog at paikot-ikot sa higaan. Ewan bakit pero trip ko syang titigan habang tulog kahit di ko naman sya kasama, siguro mami-miss ko lang sya kaya ganito ako.

Ilang araw din wala ang girlfriend ko dahil uuwi sya this New Year sa probinsya nila. At syempre malayo ang City sa kanila so no chat kaming dalawa, kakalungkot lang di ko na nga nakasama nung Pasko wala pa din ngayong New Year. Haiz okey lang family naman nya ang kasama nya kaya no need mghimutok diba??? may text naman so anu kaya dinadrama ko dito hehehehe(emote lang)

Sana lang after New Year magkita na kami ng di ako mapuyat kakatitig sa knya habang tulog sya at sa cam ko lang sya nakikita.Naku baka magising si Mudra batukan ako nito mag-uumaga na gising pa ako kahit wala naman ng importanteng ginagawa. Haiz love nga naman nakakapuyat na nakakapimples pa kahit mali ang maging kami bahala na dito naman kasi ako masaya. Makatulog na nga bangag na din ako eh hehehehe.

Sunday, December 27, 2009

Banyo Queen!!!!

Malas na araw ko ata ngayon dahil mula umaga puro disgrasya na inabot ko. Napilay ako sa tama ng bangko sa pagbuhat ng kuya ko ng upuan papuntng sala, wala pang isang oras natumba naman ako sa pinto tumama ang pilay ko huhuhu, at last before matulog tumama ang sakong ko sa pinto ng rest room at ngkasugat ako. Oh! diba bongga sa disgrasya at katangahan ko na napagalitan pa ako ng dahil sa pagiging tanga ko ngayong araw.

Kundi ba naman malas pati jowa ko tinaguan pa ata ako ayaw mgreply sa lahat ng text messages ko kahit alam kong may load sya. Ewan ko ba pati ang pag-inum ko ng gatas may halong swerteng-malas, paginum ko ng gatas bukod sa napaso ako sa init ayun ito ako masakit ang tiyan dahil sa lactose, walang patid na pagpunta sa C.R. ang dinadanas ko hehehehe.

By the way highway ang sakit talaga ng tiyan ko at baka di ko matapos ang post na to. Mamalasin ka nga naman buong araw ko sira na malas pa "asar!". Wish ko lang bukas pag gising ko okey ulit ang mood ko at swerte na, syempre sana magaling narin ang tiyan kong galit sa banyo hehehehe.

Friday, December 25, 2009

My Nude Girlfriend.....

Haiz buhay na naman ako hehehehe, parang namatay lang eh. Good news girlfriend ko na yung kachat ko pero malaki problema sa work nya, nalaman ko kelan lang na ang work nya ay di maganda dahil nagpopost sya ng nude sa net. Kahit shock at di makapaniwala di ko sya hinusgahan agad dahil sa work nya syempre love ko sya.

I ask her about sa work nya bakit ganun trabaho nya syempre dahil kami I need to know diba?? She answered naman honestly to me, she explained everything and it happens for a reason. Kaya lang daw ganun ang work nya dahil sa gusto nya makatapos ng pag-aaral at tinakwil narin kasi sya ng family nya kaya no choice sya but to work for her own needs. Inamin nya din na kaya ganun ang pinili nyang work dahil mas madali ang pera sa trabahong yun.

Hindi ko sya hinusgahan sa inamin nyang yun bagkus tinanggap ko ang lahat ng sinabi nya sa'kin inunawa ko ang lahat tungkol sa kanya. Siguro nga masama ang trabaho nya pero syempre we don't have the right para husgahan ang isang tao, dahil lahat tayo may pagkakamali din at di perpekto. Kahit ano pang sabihin ng ibang tao tungkol sa kanya wala akong paki syempre love ko sya. Kahit mali ang relasyon namin wala akong paki sa sasabihin ng ibang tao di naman sila ang pakikisamahan ko eh.

Mahal ko sya kahit ano pang meron trabaho sya o kahit ano pang wala sya. Hindi man kami maintindihan ng iba basta alam ko kailangan nya ako dahil sa pinagdadaanan nya ngayon na walang pamilya at walang masasabihan ng mga sama ng loob nya. Tanggap sya ng pamilya ko kahit ang trabaho nya tanggap ng pamilya ko at tinuturing narin syang kaparte ng buhay at pamilya ko. Hindi naman kasi makitid ang isip ng magulang ko alam nila na may mga taong kapit patalim talaga dahil sa hirap ng buhay ngayon.

Mahirap lang isipin na ang karelasyon ko nakikita na ng iba ang katawan nya pero wala naman akong magawa dahil part yun ng work nya at di ko naman sya kayang pag-aralin dahil hirap din kami ngayon. Pero pinangako naman nya sa akin na pag nakatapos sya ng pag-aaral nya ihihinto nya ang work nyang yun at gagamitin ang pinag-aralan nya para makahanap ng magandang work.

Haiz masaya naman ako sa relasyon namin sana lang matigil narin ang work nya dahil ayoko nakikita syang nagpopost sa harap ng camera ng walang saplot sa katawan. Hindi ko sya iniwan dahil sa work nyang yun mahal ko sya at tatanggapin ko sya kahit ano pang trabaho at pagkatao meron sya. Sana sa post kong ito may makaintindi sa'min ng girlfriend ko kahit alam kong madaming magsasabi tanga ako, pero ganito talaga pag mahal mo kahit ano tatanggapin mo.

Wednesday, December 16, 2009

Hubad Na Katotohanan......

Haiz tagal bago ako nakapagpost ulit broken-hearted kasi last time hehehe. Ngayon okey na ako at masaya dahil may girl akong nameet sa site na "Date In Asia" for singles at can meet new people. Syempre natuwa ako kahit di ko pa sya nakita sa personal mabait sya nasasakyan nya lahat ng mga trip ko, ang pinakagusto ko sa kanya ginagalang nya ang pagkatao ko kahit na "lesbian" ako. Hindi sya yung tipo ng girl na first impression palang sa mga kagaya ko ayaw na agad makipagkilala dahil sa "bi-sexual" kami.

Mga two weeks ko na syang kachat at katext lagi kaming nagkakamuztahan at nagtatawagan. Minsang naging seryoso ang usapan namin nagkatanungan kami sa mga personal naming buhay. Gaya ng dati naging honest ako sa kanya sa lahat ng bagay, di ko nilihim na bukod sa broken-hearted ako ay broken family din. Mga apat na buwan mula maghiwalay ang mga magulang ko naging magulo narin ang buhay ko. Naghanap ako ng alaga at pansin sa ibang tao na kung minsan di ko mahanap dahil narin sa judgement ng iba. Pero magkakaiba nga pala ang mga ugali ng tao kagaya nalang ng mga taong tumulong at nagcare sa'kin at sa mga kapatid ko.

Pero mas may malala pa palang problema ang ibang tao kesa sa'kin, kagaya nalang ng kachat ko na di ko nalang babanggitin ang name dahil sa utos nya. Bago ko gawin ang post na ito sa buhay nya pumayag sya at may permiso akong ipaalam na sana wag maging judgemental ang ibang tao. Namatayan sya ng kapatid last year, natigil sya ng ilang years sa pag-aaral at pareho kami broken-hearted at broken family. Siguro kaya malapit ang loob namin sa isa't-isa dahil narin sa may pagkakatulad ang mga problema namin at sitwasyon sa buhay. Kaya kaming dalawa nalang din ang nagdadamayan sa problema namin pareho.

May isang bagay syang sa'kin inamin tungkol sa work nya na siguro kahit sinu naisip naring gawin dahil sa kahirapan. Kaya lang daw nya ginagawa ang ganung trabaho ay para makapag-aral sya at makatapos sa College. Ang work nyang yun ay "Pay Per View" kung tawagin na kung saan magtatanggal ka ng bahagi ng damit mo kung san gusto irequest ng costumer. Buwan narin daw nyang work yun at ako palang ang una nyang pinagsabihan tungkol dito dahil narin siguro sa diskriminasyon na maririnig nya sa ibang tao.

Nagulat ako sa sinabi nyang yun pero di ko sya basta-basta hinusgahan dahil narin sa mga problema at pinagdadaanan nya kaya ko sya naintindihan. Siguro nga masama ang trabaho nya pero kung iintindihin lang sya, ayaw nya ang ganung work na halos matapakan na ang pagkatao nya at wala ng natitirang dignidad nya. Kahit lagi syang umiiyak sa'kin dahil sa trabaho nyang yun wala akong magawa kundi ang makinig at pagaanin ang loob nya sa mga hinanakit nya.

Gabi-gabi pag-online sya at time ng work nya kahit mapuyat ako nakikipagchat din ako sa kanya, dahil sa kagustuhan nya ng may ibang kausap na di pag-uusapan ang pagtatanggal nya ng damit sa harap ng kamera. Kagabi habang kachat ko sya my ngview sa kanya at syempre time ng work may kailangan syang ipakita sa costumer nagpaalam sya sa akin sa gagawin nya, kahit di nya pinapatay ang cam pinatay ko ang cam ko at ang cam nya. Nagulat nalang ako ng i-buzz nya ako at ng magbukas ulit kami ng cam nakabra nalang sya wlang damit pantaas.

oh!!bitin ba kayo bukas nalang ulit ang kwento at matutulog na ako hehehehe.

Monday, December 14, 2009

Broken-Hearted Ulit......Asar!!!!!!!

Buhay na naman ako kaya balik sa dati normal na buhay walang girlfriend hehehe. Ang hirap pala magkagusto sa taong nagpapaasa lang buti nalang di naging kami. Ilang linggo ko din syang inisip at laging kausap pero sa huli kahit gusto namin ang isa't-isa di pa din kami pwede.Ganito ata talaga ang buhay ko laging iniiwan, at lagi sa huli solohista ako hehehe.

Ang tanga kasi magkakagusto lang sa taong malayo pa at di pa nakikita sa personal. Sabagay "love at first sight yun" sheeeet may ganun hehehe. Pero kung iisipin ko tanga nga siguro magkagusto sa taong malayo sayo at di mo naman pwedeng makita. Alin ba ang mas tanga ang magkagusto at malamang kaya mo ng mag move-on o ang taong laging nakatago sa anino ng kahapon?????

Ewan ko anong sagot sa tanong ko pero ang alam ko may pagkatanga ako. Haiz buhay nga naman pag involve ang love life kahit ganu katalino nagiging bobo. Pero mas may eng-eng pa kaya sa ex-girlfriend ko na 3years na kami nagpaligaw sa iba dahilan nya ewan. Hindi naman daw ako nagkulang pero ayun nagpaligaw sa iba at ang kapal ipagmalaki daw ba yung boyfriend nyang bago na lamang ako ng limang paligo sa itsura.

Kesa patulan ko ang ganung bagay at maasar sa walang kwenta, ako naman ang maghahanap ng girlfriend hehehe. Puro hanap wala namang nakikita hehehe, may mahanap man taken na. Always broken-hearted ako ewan bakit malas ata ako sa tinatawag na "pag-ibig" hehehe. Maging masaya man ako saglit lang mas madalas mag-isa huhuhu(drama).

Sana this time o sa susunod na araw, linggo at buwan magkajowa na ako hehehehe(desperado). Kung may makita kayong libre, 'single' leave comment kayo ha????hehehe. Trying to be happy when I am lonely. Malay natin sa next post ko may jowa na aq, malay lang madami namamatay sa maling akala hahahaha. Ito muna for now broken-hearted pa din kasi eh.....

Thursday, December 10, 2009

Sabog Sa Utot!!!

Sa apat na sulok ng kwarto kung san nagkukulong ako at ang kapatid kong dumamay sa problema ko. May isang tahimik at malakas ang dating na biglang lumabas. Sa sobrang lakas ng dating kahit sinung pumasok sa kwarto nagagawa nitong paatrasin at palabasin. Isang "utot" lang pala ng kapatid ko ang makakapagpabuhay sa diwa ko hehehe.

Walang tunog yun pero sa amoy palang sabog na daig pa naghits ka ng droga hehehe.Bastos man sa iba good benefit naman daw sa kapatid ko lumabas ang sama ng loob nya.At may palusot pa sya ( lahat naman daw ng tao nautot diba??? may silent but deadly kagaya ng sa kanya, meron din daw iskandalosa na parang busina ng barko sa lakas). Kaya normal lang adaw yun kahit maamoy at ang lakas ng dating.

Ewan ko ano ang nakain nya ngayong gabi at ganun kalakas ang amoy ng utot nya. Di naman sya kumain ng panis pero amoy kaning baboy ang utot nya. Ang lupet talaga para akong nasa kulungan ng baboy dahil sa kulob ang kwarto lahat ng amoy sakop ko hehehe. Sa kakatawa ng kapatid ko sa ginawa nya naulit ang pag utot nya at this time may tunog na "kabag" pala ang dahilan sa utot nyang may laman hehehe.

Ayun lumabas na ang kapatid ko naghanap ng gamot sa "kabag" nya. Buti nalang at lumabas na kasama ng amoy nya hehehe. Pero di pala tapos yun at sa sala naman kung san andun ang iba naming kapatid at si mama dun nagpasabog ng bomba nya. Ako okey na sa kwarto ligtas sa pagsabog ng pwet nya at nagawa ng 'blog na ito.

Sa kalokohan naming magkapatid at tawanan nakalimutan kong malungkot ako dahil sa break-up namin ng jowa ko. Masaya pala ang magkaron ng kapatid na kahit puro kalokohan ang alam andyan para sayo sa oras ng problema. Handa kang tulungan sa hirap man o sa tawanan. Di man buo ang pamilya namin masaya at kompleto na ako andyan ang kapatid at mama ko.

Sunday, December 6, 2009

Facebook Fever!!!

Kakalaro sa "facebook" puyat na naman ako. Di ko naman pwedeng iwithdraw ang pera sa "cafe world" pero ngtsatsaga ako sa kakalaro. Pero okey lang dahil sa facebook nagka-girlfriend kahit always puyat. Maganda sana kung pwede iwithdraw ang perang nakalaan para sa laro. As if pwede yun noh "ambitious frog" talaga hehehe.

Kahit di ko mawithdraw ang pera sa "Cafe world". May sayang dulot naman yun kaya okey na ako dun. At syempre sa laro sa "facebook" nagkaron ako ng madaming friends hehehe. Kababawan man ang tingin ng iba dahil sa laro ako naadik mas pabor yun sa mama ko dahil di na ako gala ngayon, puyat nalang hehehe.

Mas mainam na ngang malibang at mag-stay sa bahay kesa saan-saan nagpupunta. Hindi pa mag-aalala ang magulang ko, kahit may sermon dahil puyat ayos lang safe naman hehe. Kesa mag-adik ako sa masamang bisyo, dito nalang ako kahit nakakaadik di naman mapapasama ang kalusugan ko. Puyat man bawi naman sa kain at tulog kapag walang laro dahil di pa luto ang niluluto ko sa "Cafe world" hehe.

Ngayon nga habang ginagawa ko ito kasabay ng blog ang laro hehehe. Nabulok ang niluluto ko sa "Cafe world" dahil sa kakatype dito wala na ako kita dun hehehe. Masarap pala kahit busy ka sa kakaisip ng sasabihin sa blog na 'to may larong kasama at yun pa ang naging blog ko hehe. Stop muna ang kakatype pahinga muna at puyat sa kakalaro at typing hehe. Next post ulit..

Friday, December 4, 2009

Bawal Na Pag-Ibig!!!

Minsan sa buhay natin magmamahal ka, kahit alam mong siya ay may pananagutan na. Dahil ang mahalaga para sayo Mahal mo siya, kahit pa ang relasyon ninyo ay "Bawal". Patuloy ka parin sa kanya'y nagmamahal. Masakit tanggapin na pangalawa ka lang, pero sa kabila noon patuloy ka parin umaasa na di magtatagal at siya ay magiging malaya na.

Paano kaibigan, kung isang araw magising kang nag-iisa at ang taong minamahal mo ay lumisan na? Luluha ka at masasaktan at halos isumpa ang dating minamahal. Tanong mo'y saan ako nagkamali o nagkulang ba ako upang ako'y iwan? Naitanong mo ba sa sarili mo kung totoong mahal ka nya o isa ka lang sa libangan nya? Naramdaman mo bang mahalaga ka at mahal ka nya habang kasama mo sya? O bulag ka lang sa katotohanang ikaw lang ang nagmamahal at ginagamit ka lang nyang panakip-butas.

Hindi pa huli ang lahat, bumangon ka kaibigan. Marami pang panahon sayo'y naghihintay. May isang tao na sayo'y tapat na magmamahal at nakalaan. Maging sinu ka man at maging ano pa man ang iyong naging nakaraan. Hindi pa huli ang lahat at lagi mong tatandaan, habang may buhay may pag-asa at may biyayang laan para sayo. Manalig ka lang kaibigan.

Wednesday, December 2, 2009

Paano Kung May 3rd Party Sa Relasyon Nyo?

Syempre masasaktan ka, lalo na at mahal na mahal mo sya. Pero iniisip ba ng mahal mo na masasaktan ka dahil dito? o hindi talaga ikaw ang mahal nya? Paano at ano ang dapat mong gawin?

Una, wag mo syang komprontahin dahil magkakaroon sya ng dahilan para sabihing Nagger ka.
Pangalawa, kausapin mo sya ng mahinahon at alamin bakit nya nagawa ito sayo.
Pangatlo, tanungin mo sya ano ang naging pagkukulang mo sa kanya at kailangan pa nyang humanap ng iba.

Kung magkakaroon kayo ng pagkakataong mgkausap. Tanungin mo din sya kung pwede bang iwasan na nya ang babae o lalaki na nagiging dahilan ng di ninyo pagkakaunawaan. Kung sa pagkakataong iyon ay naipangako nya at nagawang iwasan ang taong iyon. Sikapin mong maging mas malambing at higit na maasikaso sa kanya.

Sa ganung bagay mas mababaling ang pagtingin at pagmamahal nya sayo. Mas malaki ang porsyento na maiiwasan nya ang mapalapit sa iba. Sa pagkakataong ding ito mas mapapatibay ang relasyon ninyo at ang tiwala sa isa't-isa.

Pero kung ang lahat ng ito ay nagawa mo na at naulit pa ang nangyaring panloloko. Ito na ang hangganan ng lahat. Kailangan mo ng tanggapin na tapos na ang lahat at hindi talaga kayo para sa isa't-isa. Hindi masama ang magparaya kaysa makasama ang taong sa araw-araw pagdudusahan mo ang makasama sya.

Anyway sya ang nagkulang at nagkamali. Patunayan mong hindi sya malaking kawalan.
Move-on with your life. Live life to the fullest hehehe