Friday, January 22, 2010

Halalan Na Naman.....

Yeah! right lahat ng pulitiko ngayon puro pangako na lahat naman mapapako pagdating na nakaluklok na cla sa kanilang pwesto sa pamahalaan. Pero meron nga bang iba sa kanila na hindi gagawa ng kagaguhan sa bansa? anung tingin nyo?

Ako bilang Pilipino iboboto ko ang karapat-dapat, pero panu ko yun malalaman kung sa sarili nating bansa ang pamahalaan ay puro dayaan. Si Villar ba, Gordon, Ninoy at Gibo lahat sila puro pangako sa patalastas dahil malapit na ang halalan. Isa kaya sa kanila kaya talagang magbigay ng libreng pabahay sa'ting mahihirap at walang matirhan?

Sana sa daratinmg na halalan isa sa kanila ang karapat-dapat mahalal na pangulo at mabago ang bansa. Dahil sa pamahalaang Arroyo naghirap ang bayan ni Juan walang nangyari dahil puro kurakot ang inani ng Pinas. Sana kung mahalal man isa kina Villar maiahon nila sa hirap ang ating bayan.

Lagi ko na lamang tanong yan bago ang halalan mabago kaya ang patakbo sa bansa o gaya din ng dati hirap ang bayan ni Juan? Sana sa halalan sa Mayo walang dayaang mangyari para naman maging maunlad ang ating bayan. Dahil kung puro dayaan ang bansang ito walang mangyayari puro pa din tayo kahirapan. Umunlad na sana ang mga Pinoy at ang sarili nating bayan.

No comments:

Post a Comment