Monday, January 4, 2010

Wasak Ang Pundilyo.....

Wasak...badtrip na araw na naman dahil kahit gumala ako may panget na mangyayari na kasunod. Lintik na gala yun ganda ng suot ko purmado at talagang todo pabango ako, kundi ba naman sablay at kalahati nawasak ang short ko. At wag ka sa harapan pa nasira, di naman ganun kalaki ang pagkabukaka ko pero hala napunit talaga ang "pundilyo" ng short ko.

Okey lang sana kung may tastas or wat sa short ko pero hindi eh wasak talaga ang harapan ng short ko. Buti nalang sa mall ang punta ko bago ma-meet si textmate, kaya kahit gipit napilitan akong bumili ng short wag lang makita ang hidden agenda ng lola mo hehehe. Okey na at nakabili ako ng bagong short pwede na ma-meet si textmate.

Habang papalapit ako kay textmate napansin kong ang etiketa ng short ko hindi pa pla tanggal, kahiya man halata talagang bago ang suot ko lalo ang short. Para di mahalata tinago ko nalang ang etiketa ng short sa bulsa hehehe. Pero dahil sa short kong nasira ayun kinapos ang lola mo sa budget sa date buti nalang di matakaw si textmate at kasya pagkain, pangsine at pamasahe ang natira hahaha. Si shorts kasi kung di nasira ganda sana ng date ko at may pasalubong pa sana ako, pero ganun talaga nasira si shorts......

As of mag-meet kami naging okey naman lahat mula sa pagkikita namin hanggang sa pag-uwi okey ang lahat. Naging happy naman ako kahit malas ang araw sa pagkasira ng shorts ko happy naman ang gala namin hehehe. Next time ill make sure na matibay ang susuotin ko lalo ang shorts ko hehehe.

No comments:

Post a Comment