Tuesday, December 29, 2009

Puyat Kakatitig!!!!

Haiz 2:00am na gising pa din ako wala namang "insomia" pero magdamag gising with only one reason. Buong magdamag pinagmasdan si girlfriend sa harap ng cam habang tulog at paikot-ikot sa higaan. Ewan bakit pero trip ko syang titigan habang tulog kahit di ko naman sya kasama, siguro mami-miss ko lang sya kaya ganito ako.

Ilang araw din wala ang girlfriend ko dahil uuwi sya this New Year sa probinsya nila. At syempre malayo ang City sa kanila so no chat kaming dalawa, kakalungkot lang di ko na nga nakasama nung Pasko wala pa din ngayong New Year. Haiz okey lang family naman nya ang kasama nya kaya no need mghimutok diba??? may text naman so anu kaya dinadrama ko dito hehehehe(emote lang)

Sana lang after New Year magkita na kami ng di ako mapuyat kakatitig sa knya habang tulog sya at sa cam ko lang sya nakikita.Naku baka magising si Mudra batukan ako nito mag-uumaga na gising pa ako kahit wala naman ng importanteng ginagawa. Haiz love nga naman nakakapuyat na nakakapimples pa kahit mali ang maging kami bahala na dito naman kasi ako masaya. Makatulog na nga bangag na din ako eh hehehehe.

No comments:

Post a Comment