Sunday, December 27, 2009

Banyo Queen!!!!

Malas na araw ko ata ngayon dahil mula umaga puro disgrasya na inabot ko. Napilay ako sa tama ng bangko sa pagbuhat ng kuya ko ng upuan papuntng sala, wala pang isang oras natumba naman ako sa pinto tumama ang pilay ko huhuhu, at last before matulog tumama ang sakong ko sa pinto ng rest room at ngkasugat ako. Oh! diba bongga sa disgrasya at katangahan ko na napagalitan pa ako ng dahil sa pagiging tanga ko ngayong araw.

Kundi ba naman malas pati jowa ko tinaguan pa ata ako ayaw mgreply sa lahat ng text messages ko kahit alam kong may load sya. Ewan ko ba pati ang pag-inum ko ng gatas may halong swerteng-malas, paginum ko ng gatas bukod sa napaso ako sa init ayun ito ako masakit ang tiyan dahil sa lactose, walang patid na pagpunta sa C.R. ang dinadanas ko hehehehe.

By the way highway ang sakit talaga ng tiyan ko at baka di ko matapos ang post na to. Mamalasin ka nga naman buong araw ko sira na malas pa "asar!". Wish ko lang bukas pag gising ko okey ulit ang mood ko at swerte na, syempre sana magaling narin ang tiyan kong galit sa banyo hehehehe.

No comments:

Post a Comment