Monday, December 14, 2009

Broken-Hearted Ulit......Asar!!!!!!!

Buhay na naman ako kaya balik sa dati normal na buhay walang girlfriend hehehe. Ang hirap pala magkagusto sa taong nagpapaasa lang buti nalang di naging kami. Ilang linggo ko din syang inisip at laging kausap pero sa huli kahit gusto namin ang isa't-isa di pa din kami pwede.Ganito ata talaga ang buhay ko laging iniiwan, at lagi sa huli solohista ako hehehe.

Ang tanga kasi magkakagusto lang sa taong malayo pa at di pa nakikita sa personal. Sabagay "love at first sight yun" sheeeet may ganun hehehe. Pero kung iisipin ko tanga nga siguro magkagusto sa taong malayo sayo at di mo naman pwedeng makita. Alin ba ang mas tanga ang magkagusto at malamang kaya mo ng mag move-on o ang taong laging nakatago sa anino ng kahapon?????

Ewan ko anong sagot sa tanong ko pero ang alam ko may pagkatanga ako. Haiz buhay nga naman pag involve ang love life kahit ganu katalino nagiging bobo. Pero mas may eng-eng pa kaya sa ex-girlfriend ko na 3years na kami nagpaligaw sa iba dahilan nya ewan. Hindi naman daw ako nagkulang pero ayun nagpaligaw sa iba at ang kapal ipagmalaki daw ba yung boyfriend nyang bago na lamang ako ng limang paligo sa itsura.

Kesa patulan ko ang ganung bagay at maasar sa walang kwenta, ako naman ang maghahanap ng girlfriend hehehe. Puro hanap wala namang nakikita hehehe, may mahanap man taken na. Always broken-hearted ako ewan bakit malas ata ako sa tinatawag na "pag-ibig" hehehe. Maging masaya man ako saglit lang mas madalas mag-isa huhuhu(drama).

Sana this time o sa susunod na araw, linggo at buwan magkajowa na ako hehehehe(desperado). Kung may makita kayong libre, 'single' leave comment kayo ha????hehehe. Trying to be happy when I am lonely. Malay natin sa next post ko may jowa na aq, malay lang madami namamatay sa maling akala hahahaha. Ito muna for now broken-hearted pa din kasi eh.....

No comments:

Post a Comment