Wednesday, December 2, 2009

Paano Kung May 3rd Party Sa Relasyon Nyo?

Syempre masasaktan ka, lalo na at mahal na mahal mo sya. Pero iniisip ba ng mahal mo na masasaktan ka dahil dito? o hindi talaga ikaw ang mahal nya? Paano at ano ang dapat mong gawin?

Una, wag mo syang komprontahin dahil magkakaroon sya ng dahilan para sabihing Nagger ka.
Pangalawa, kausapin mo sya ng mahinahon at alamin bakit nya nagawa ito sayo.
Pangatlo, tanungin mo sya ano ang naging pagkukulang mo sa kanya at kailangan pa nyang humanap ng iba.

Kung magkakaroon kayo ng pagkakataong mgkausap. Tanungin mo din sya kung pwede bang iwasan na nya ang babae o lalaki na nagiging dahilan ng di ninyo pagkakaunawaan. Kung sa pagkakataong iyon ay naipangako nya at nagawang iwasan ang taong iyon. Sikapin mong maging mas malambing at higit na maasikaso sa kanya.

Sa ganung bagay mas mababaling ang pagtingin at pagmamahal nya sayo. Mas malaki ang porsyento na maiiwasan nya ang mapalapit sa iba. Sa pagkakataong ding ito mas mapapatibay ang relasyon ninyo at ang tiwala sa isa't-isa.

Pero kung ang lahat ng ito ay nagawa mo na at naulit pa ang nangyaring panloloko. Ito na ang hangganan ng lahat. Kailangan mo ng tanggapin na tapos na ang lahat at hindi talaga kayo para sa isa't-isa. Hindi masama ang magparaya kaysa makasama ang taong sa araw-araw pagdudusahan mo ang makasama sya.

Anyway sya ang nagkulang at nagkamali. Patunayan mong hindi sya malaking kawalan.
Move-on with your life. Live life to the fullest hehehe

No comments:

Post a Comment