Sunday, December 6, 2009

Facebook Fever!!!

Kakalaro sa "facebook" puyat na naman ako. Di ko naman pwedeng iwithdraw ang pera sa "cafe world" pero ngtsatsaga ako sa kakalaro. Pero okey lang dahil sa facebook nagka-girlfriend kahit always puyat. Maganda sana kung pwede iwithdraw ang perang nakalaan para sa laro. As if pwede yun noh "ambitious frog" talaga hehehe.

Kahit di ko mawithdraw ang pera sa "Cafe world". May sayang dulot naman yun kaya okey na ako dun. At syempre sa laro sa "facebook" nagkaron ako ng madaming friends hehehe. Kababawan man ang tingin ng iba dahil sa laro ako naadik mas pabor yun sa mama ko dahil di na ako gala ngayon, puyat nalang hehehe.

Mas mainam na ngang malibang at mag-stay sa bahay kesa saan-saan nagpupunta. Hindi pa mag-aalala ang magulang ko, kahit may sermon dahil puyat ayos lang safe naman hehe. Kesa mag-adik ako sa masamang bisyo, dito nalang ako kahit nakakaadik di naman mapapasama ang kalusugan ko. Puyat man bawi naman sa kain at tulog kapag walang laro dahil di pa luto ang niluluto ko sa "Cafe world" hehe.

Ngayon nga habang ginagawa ko ito kasabay ng blog ang laro hehehe. Nabulok ang niluluto ko sa "Cafe world" dahil sa kakatype dito wala na ako kita dun hehehe. Masarap pala kahit busy ka sa kakaisip ng sasabihin sa blog na 'to may larong kasama at yun pa ang naging blog ko hehe. Stop muna ang kakatype pahinga muna at puyat sa kakalaro at typing hehe. Next post ulit..

No comments:

Post a Comment