Thursday, December 10, 2009

Sabog Sa Utot!!!

Sa apat na sulok ng kwarto kung san nagkukulong ako at ang kapatid kong dumamay sa problema ko. May isang tahimik at malakas ang dating na biglang lumabas. Sa sobrang lakas ng dating kahit sinung pumasok sa kwarto nagagawa nitong paatrasin at palabasin. Isang "utot" lang pala ng kapatid ko ang makakapagpabuhay sa diwa ko hehehe.

Walang tunog yun pero sa amoy palang sabog na daig pa naghits ka ng droga hehehe.Bastos man sa iba good benefit naman daw sa kapatid ko lumabas ang sama ng loob nya.At may palusot pa sya ( lahat naman daw ng tao nautot diba??? may silent but deadly kagaya ng sa kanya, meron din daw iskandalosa na parang busina ng barko sa lakas). Kaya normal lang adaw yun kahit maamoy at ang lakas ng dating.

Ewan ko ano ang nakain nya ngayong gabi at ganun kalakas ang amoy ng utot nya. Di naman sya kumain ng panis pero amoy kaning baboy ang utot nya. Ang lupet talaga para akong nasa kulungan ng baboy dahil sa kulob ang kwarto lahat ng amoy sakop ko hehehe. Sa kakatawa ng kapatid ko sa ginawa nya naulit ang pag utot nya at this time may tunog na "kabag" pala ang dahilan sa utot nyang may laman hehehe.

Ayun lumabas na ang kapatid ko naghanap ng gamot sa "kabag" nya. Buti nalang at lumabas na kasama ng amoy nya hehehe. Pero di pala tapos yun at sa sala naman kung san andun ang iba naming kapatid at si mama dun nagpasabog ng bomba nya. Ako okey na sa kwarto ligtas sa pagsabog ng pwet nya at nagawa ng 'blog na ito.

Sa kalokohan naming magkapatid at tawanan nakalimutan kong malungkot ako dahil sa break-up namin ng jowa ko. Masaya pala ang magkaron ng kapatid na kahit puro kalokohan ang alam andyan para sayo sa oras ng problema. Handa kang tulungan sa hirap man o sa tawanan. Di man buo ang pamilya namin masaya at kompleto na ako andyan ang kapatid at mama ko.

No comments:

Post a Comment