Wednesday, December 16, 2009

Hubad Na Katotohanan......

Haiz tagal bago ako nakapagpost ulit broken-hearted kasi last time hehehe. Ngayon okey na ako at masaya dahil may girl akong nameet sa site na "Date In Asia" for singles at can meet new people. Syempre natuwa ako kahit di ko pa sya nakita sa personal mabait sya nasasakyan nya lahat ng mga trip ko, ang pinakagusto ko sa kanya ginagalang nya ang pagkatao ko kahit na "lesbian" ako. Hindi sya yung tipo ng girl na first impression palang sa mga kagaya ko ayaw na agad makipagkilala dahil sa "bi-sexual" kami.

Mga two weeks ko na syang kachat at katext lagi kaming nagkakamuztahan at nagtatawagan. Minsang naging seryoso ang usapan namin nagkatanungan kami sa mga personal naming buhay. Gaya ng dati naging honest ako sa kanya sa lahat ng bagay, di ko nilihim na bukod sa broken-hearted ako ay broken family din. Mga apat na buwan mula maghiwalay ang mga magulang ko naging magulo narin ang buhay ko. Naghanap ako ng alaga at pansin sa ibang tao na kung minsan di ko mahanap dahil narin sa judgement ng iba. Pero magkakaiba nga pala ang mga ugali ng tao kagaya nalang ng mga taong tumulong at nagcare sa'kin at sa mga kapatid ko.

Pero mas may malala pa palang problema ang ibang tao kesa sa'kin, kagaya nalang ng kachat ko na di ko nalang babanggitin ang name dahil sa utos nya. Bago ko gawin ang post na ito sa buhay nya pumayag sya at may permiso akong ipaalam na sana wag maging judgemental ang ibang tao. Namatayan sya ng kapatid last year, natigil sya ng ilang years sa pag-aaral at pareho kami broken-hearted at broken family. Siguro kaya malapit ang loob namin sa isa't-isa dahil narin sa may pagkakatulad ang mga problema namin at sitwasyon sa buhay. Kaya kaming dalawa nalang din ang nagdadamayan sa problema namin pareho.

May isang bagay syang sa'kin inamin tungkol sa work nya na siguro kahit sinu naisip naring gawin dahil sa kahirapan. Kaya lang daw nya ginagawa ang ganung trabaho ay para makapag-aral sya at makatapos sa College. Ang work nyang yun ay "Pay Per View" kung tawagin na kung saan magtatanggal ka ng bahagi ng damit mo kung san gusto irequest ng costumer. Buwan narin daw nyang work yun at ako palang ang una nyang pinagsabihan tungkol dito dahil narin siguro sa diskriminasyon na maririnig nya sa ibang tao.

Nagulat ako sa sinabi nyang yun pero di ko sya basta-basta hinusgahan dahil narin sa mga problema at pinagdadaanan nya kaya ko sya naintindihan. Siguro nga masama ang trabaho nya pero kung iintindihin lang sya, ayaw nya ang ganung work na halos matapakan na ang pagkatao nya at wala ng natitirang dignidad nya. Kahit lagi syang umiiyak sa'kin dahil sa trabaho nyang yun wala akong magawa kundi ang makinig at pagaanin ang loob nya sa mga hinanakit nya.

Gabi-gabi pag-online sya at time ng work nya kahit mapuyat ako nakikipagchat din ako sa kanya, dahil sa kagustuhan nya ng may ibang kausap na di pag-uusapan ang pagtatanggal nya ng damit sa harap ng kamera. Kagabi habang kachat ko sya my ngview sa kanya at syempre time ng work may kailangan syang ipakita sa costumer nagpaalam sya sa akin sa gagawin nya, kahit di nya pinapatay ang cam pinatay ko ang cam ko at ang cam nya. Nagulat nalang ako ng i-buzz nya ako at ng magbukas ulit kami ng cam nakabra nalang sya wlang damit pantaas.

oh!!bitin ba kayo bukas nalang ulit ang kwento at matutulog na ako hehehehe.

No comments:

Post a Comment