Friday, December 4, 2009

Bawal Na Pag-Ibig!!!

Minsan sa buhay natin magmamahal ka, kahit alam mong siya ay may pananagutan na. Dahil ang mahalaga para sayo Mahal mo siya, kahit pa ang relasyon ninyo ay "Bawal". Patuloy ka parin sa kanya'y nagmamahal. Masakit tanggapin na pangalawa ka lang, pero sa kabila noon patuloy ka parin umaasa na di magtatagal at siya ay magiging malaya na.

Paano kaibigan, kung isang araw magising kang nag-iisa at ang taong minamahal mo ay lumisan na? Luluha ka at masasaktan at halos isumpa ang dating minamahal. Tanong mo'y saan ako nagkamali o nagkulang ba ako upang ako'y iwan? Naitanong mo ba sa sarili mo kung totoong mahal ka nya o isa ka lang sa libangan nya? Naramdaman mo bang mahalaga ka at mahal ka nya habang kasama mo sya? O bulag ka lang sa katotohanang ikaw lang ang nagmamahal at ginagamit ka lang nyang panakip-butas.

Hindi pa huli ang lahat, bumangon ka kaibigan. Marami pang panahon sayo'y naghihintay. May isang tao na sayo'y tapat na magmamahal at nakalaan. Maging sinu ka man at maging ano pa man ang iyong naging nakaraan. Hindi pa huli ang lahat at lagi mong tatandaan, habang may buhay may pag-asa at may biyayang laan para sayo. Manalig ka lang kaibigan.

No comments:

Post a Comment